Hindi ito tulad ng pagpara ng pampasaherong jeepney sabay sambit ng salitang "PASAKAY!" It may sound familiar but the meaning goes beyond what you think. (Praktis lang kung marunung pako mag English) HAHA. PASAKAY. Tulad ng mga pampasaherong jeep at kung anu anu pang pwedeng sakyan, Hmmmm. aba'y malay ko kung anu pa nga bang ibang sinasakyan mo! (Ui napaisip) lahat may destinasyon, lahat may babaan. kung minsan, di ka pa dapat bababa, pero napapababa kana, maari din namang dapat kanina kapa bumaba, pero napalayo ka at di tama ang lugar na nabababaan.Pede rin namang hindi ka naman dapat sasakay, pero dahil sa dalang-dala ka, ayun sumakay ka. At kung anu pa yan, basta ang ending, NAPASAKAY KA.
PASAKAY ang tawag ko sa mga PAASA. Paasa, pinaka sikat na salita ng mga heartbroken. "Pinaasa nya lang ako!" Pasakay din ang tawag ko sa mga taong PA FALL. Pa fall, para naman sa mga sosyalera or lets say social climber, well ... applicable narin yan. Paasa, Pa fall at ang newest version na PASAKAY.
Sa panahong ito, nagkalat ang istilong yan. KALAT NA KALAT. Yung bang sweet-sweetan, pero walang relasyon. May tawagan pero friends lang? TANGINUMIN NYO! Lechugas! Ang aarte nyo.
(Galit nako) Chos! Well, di na bago yan. baka paglipas pa ng ilang taon mga isa o dlawa, tantya ko ultimo yung mga kasal na, sasabihin friends lang sila. HAHAHA. Friends your face! That's rule of the game. PAG NA INLOVE KA, TALO KA. Kaya kapatid mag ingat ka! Dahil baka yang taong akala mo sya na, e PINAPASAKAY KA LANG! Handa ka na bang bumaba? O mananatili ka padin hanggang s ikaw na mismo ang ipagtabuyan at pababain. Siguraduhin mo lang na may naiabot kang bayad, para kung magka gayun man, meron kang MAISASAMPAL SA MUKHA NYA AT MAISUSUMBAT.