Biyernes, Marso 2, 2012

Si EBA

     "Si Eba, bow. Si Eba na may tatlong letra, binubuo ng letrang E, B, at A. Huwag lang lalagyan ng K pagkat tiyak na mag iiba ang kahulugan". (Aaay Bastos!) 

Sa mga oras na isinusulat ko ito, titulo lamang ang malinaw kong hawak. Maaring alam ko kung ano ang gusto kong ibahagi pero hindi ko alam kong paano ipararating. "LINTA," "Si Lolong" at ang nagwagi ay "si Eba." Mga iilang titulo na sa kalagitnaan ng gabi ko naiisip. Kasarapan ng pagkakahiga at oras ng pagtulog, kung saan biglang nag lilitawan ang aking tinatawag na "Brilliant ideas"  And i claim that brilliant!  
(Wag kang NAKEKE ALAM) haha. O kay sarap ng may laptop, na bente kwatro oras na nakabukas.
                         (Hindi ho ito kasali, naisingit lang, at baka sakaling may makarinig)

Si Eba. Oo sya nga, ang partner ni Adan. Simbolo ng mga kababaihan.Pero hindi lahat ng kababaihan ay Eba.( Gulo diba!?) Nasa Intro ka palang, wala ka pa sa Climax kaya wag kang Atat! Ang inyo pong mababasa ay hango sa sarili kong interpretasyon. Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! 

Ano nga bang katauhan ang syang ginagampanan ni Eba? Ano ang estetika't batayan ng isang Eba? Ano ang pinag kaiba ng totoo at matinong Eba? Kung ang tingin mo sa sarili mo ay isang Ebang mahina, sunod-sunuran, utusan at parausan, malinaw na hindi ka si Eba. Isa kang Eba*.  (LOL) Itinago ko pa. Sige na nga at atin ng isiwalat. EBAK. (What a word!) ang bahong pakinggan. 

Sino nga ba si Eba? Si Eba ay Sino nga ba? Ramdam nyo na diba!? hindi ko alam kung sino sya! HAHA. Sabi sa inyo title lang ang meron ako. Isa lang ang maliwanag. HINDI "pa" AKO SI EBA. may kahanginan lang akong taglay pero hindi sinungaling. AT SYEMPRE HINDI "pa" RIN IKAW.  Ako ngang sumulat, hindi ko inako, ikaw pa kayang nakikibasa lang. Nyaha! Ito ang klaro! MAARING MAGING TAYO 
(Us girls) 


                (SUMALI NA SA KILUSAN! IPAGLABAN ANG KABABAIHAN! ) HAHAHA.
                                      oha  aktibista lang ang datingan


      Darating ang panahon na makikilala natin ang ating sarili ng higit pa sa pagkaka alam natin. Makikita natin ng mas malalalim ang dating mababaw, at mas malinaw ang dati ng malabo. Wag natin hayaan na si Eba ay gawin lang Eba* ng mga Adan, maging ng lipunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento