Huwebes, Abril 4, 2013

Jelly

     I dunno what to type. (Oha! umpisa palang umi english na!) Dagdagan pa nating ng (Ugh!) para girl na girl tska mag mukang sosyal. Hahaha. lol. Tigilan na nga natin tong kaartehang to. Dang! Nakalimutan ko na yatang mag sulat. And takenote, inabot ako ng mga kinse minutos para lang ma recover ang account kong ito. Dagdagan pa nating ng mga tatlumpong minutos para kapain ang website na to. (Tama ba tagalog translation ko?) Ah, basta thirty minutes! with the TH. hehe. Aba.. Aba... halos mahigit isang taon lang di nakapag sulat, pagbalik umaarte na!? Nyaha! Tagal din na tengga ng account na to. But now i'm back! DANgerous is back, but she's not gonna bring sexy back here (Pang FB lang yun) hehe. She's gonna give you somethin new. Somethin rare, awesome, fabulous, smashin, wonderful (uyy.. di maka relate!) Pag nag call center ka, alam mo yan. POWER WORDS. Taralets, samahan nyo kong maglinis ng mga agiw sa blogspot na to!

Gusto kong lagyan ng titulo ang blog na to as "JELLY" while trying to recover my account, Wondering what might be my password, i end up sa trial and error. Thinking all passwords i have. Tentenenen! mahalko, honhie babybaby. etc. Another bukingan session. Pag binasa mo to, edi may nalaman ka na namang iba sakin. Ang "Jeje" ng mga password ko nuon diba!? Teenager na teenager.  Ba't ba! eh, na inlove e. hahaha. And then i just started to wonder, mga past na yan, sa tagalog nakalipas. Ganyan tayo nuon, deads na deads sa kanila, na sa ultimo pinaka maliliit na bagay, extra ang mga pangalan nila. Eh nasaan na nga ba sila? ANYARE? Yung dating love story na binuo natin kasama sila, i kwento nalang natin sa pagong. Haha! 


Aryt! Let's start! Heto na naman po tayo sa haba ng intro ko. Jelly. Jelly Jelly. Kanina "Blanko" ang title ko and then i decided to change it to "Jelly" Blankong blanko naman kasi ako kanina. Pamagat palang blanko na, hahayaan ko bang pati nilalaman blanko padin? Opcors not. Jelly. From the Greek word colorful, yummy, sweet. (Dalang-dala ka naman!?) Haha! JELLY ACE pala yun. lol. Atat ka naman, ito na. I call it jelly or mas kilala sa tawag na Jealousy. Kanina Greek, ngayon bibigyan kita ng Latin. INVIDIA- Envy, Hatred. An emotion and typically refers to negative thoughts, feelings of insecurity, fear, and anxiety. (Yan maniwala kana, totoo na yan) Galing-galingan! buti nalang mabilis ang net akalain mo yung nakapag google pa. hehe. Jelly ang title kasi.. Wala ng preno-preno. Didiretchahin na kita! NAGSELOS AKO! Wow bago! Bigyan ng jacket! Haha. ganun pala feeling nun!? For many years pinanghawakan ko yung salitang "Hindi ako Selosa" Hindi pala. Or should i say, Hindi na pala o pede rin iba lang yung naging situation ngayon. Aaay! In denial padin!  (I'm not pertaining only to boy/girl relationship) At any point, circumstances. I don't know how to handle it right. At yan ang pag aaralan ko. 20 percent nalang ang battery ng lappy ko. Pano ko nga ba to tatapusin.? bahala na, tatapusin ko nalang to sa pag she share ng isang funny convo with papa.


Papa: Dan sinong kaaway mo?
Dan: ha!? kaaway? Wala kaya.
Papa: E bat ganun sa peysbuk mo!?
Dan: Ah, kasi.... si ganito.... May .... (kwento, kwento)
Papa: Ah, nag seselos ka!
Dan: Kru*kru* (Napaisip) yun na nga yata yun.

Uyyyy! Jelly!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento