Huwebes, Abril 4, 2013

Jelly

     I dunno what to type. (Oha! umpisa palang umi english na!) Dagdagan pa nating ng (Ugh!) para girl na girl tska mag mukang sosyal. Hahaha. lol. Tigilan na nga natin tong kaartehang to. Dang! Nakalimutan ko na yatang mag sulat. And takenote, inabot ako ng mga kinse minutos para lang ma recover ang account kong ito. Dagdagan pa nating ng mga tatlumpong minutos para kapain ang website na to. (Tama ba tagalog translation ko?) Ah, basta thirty minutes! with the TH. hehe. Aba.. Aba... halos mahigit isang taon lang di nakapag sulat, pagbalik umaarte na!? Nyaha! Tagal din na tengga ng account na to. But now i'm back! DANgerous is back, but she's not gonna bring sexy back here (Pang FB lang yun) hehe. She's gonna give you somethin new. Somethin rare, awesome, fabulous, smashin, wonderful (uyy.. di maka relate!) Pag nag call center ka, alam mo yan. POWER WORDS. Taralets, samahan nyo kong maglinis ng mga agiw sa blogspot na to!

Gusto kong lagyan ng titulo ang blog na to as "JELLY" while trying to recover my account, Wondering what might be my password, i end up sa trial and error. Thinking all passwords i have. Tentenenen! mahalko, honhie babybaby. etc. Another bukingan session. Pag binasa mo to, edi may nalaman ka na namang iba sakin. Ang "Jeje" ng mga password ko nuon diba!? Teenager na teenager.  Ba't ba! eh, na inlove e. hahaha. And then i just started to wonder, mga past na yan, sa tagalog nakalipas. Ganyan tayo nuon, deads na deads sa kanila, na sa ultimo pinaka maliliit na bagay, extra ang mga pangalan nila. Eh nasaan na nga ba sila? ANYARE? Yung dating love story na binuo natin kasama sila, i kwento nalang natin sa pagong. Haha! 


Aryt! Let's start! Heto na naman po tayo sa haba ng intro ko. Jelly. Jelly Jelly. Kanina "Blanko" ang title ko and then i decided to change it to "Jelly" Blankong blanko naman kasi ako kanina. Pamagat palang blanko na, hahayaan ko bang pati nilalaman blanko padin? Opcors not. Jelly. From the Greek word colorful, yummy, sweet. (Dalang-dala ka naman!?) Haha! JELLY ACE pala yun. lol. Atat ka naman, ito na. I call it jelly or mas kilala sa tawag na Jealousy. Kanina Greek, ngayon bibigyan kita ng Latin. INVIDIA- Envy, Hatred. An emotion and typically refers to negative thoughts, feelings of insecurity, fear, and anxiety. (Yan maniwala kana, totoo na yan) Galing-galingan! buti nalang mabilis ang net akalain mo yung nakapag google pa. hehe. Jelly ang title kasi.. Wala ng preno-preno. Didiretchahin na kita! NAGSELOS AKO! Wow bago! Bigyan ng jacket! Haha. ganun pala feeling nun!? For many years pinanghawakan ko yung salitang "Hindi ako Selosa" Hindi pala. Or should i say, Hindi na pala o pede rin iba lang yung naging situation ngayon. Aaay! In denial padin!  (I'm not pertaining only to boy/girl relationship) At any point, circumstances. I don't know how to handle it right. At yan ang pag aaralan ko. 20 percent nalang ang battery ng lappy ko. Pano ko nga ba to tatapusin.? bahala na, tatapusin ko nalang to sa pag she share ng isang funny convo with papa.


Papa: Dan sinong kaaway mo?
Dan: ha!? kaaway? Wala kaya.
Papa: E bat ganun sa peysbuk mo!?
Dan: Ah, kasi.... si ganito.... May .... (kwento, kwento)
Papa: Ah, nag seselos ka!
Dan: Kru*kru* (Napaisip) yun na nga yata yun.

Uyyyy! Jelly!

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

PASAKAY!

     Hindi ito tulad ng pagpara ng pampasaherong jeepney sabay sambit ng salitang "PASAKAY!" It may sound familiar but the meaning goes beyond what you think. (Praktis lang kung marunung pako mag English) HAHA. PASAKAY. Tulad ng mga pampasaherong jeep at kung anu anu pang pwedeng sakyan, Hmmmm. aba'y malay ko kung anu pa nga bang ibang sinasakyan mo! (Ui napaisip) lahat may destinasyon, lahat may babaan. kung minsan, di ka pa dapat bababa, pero napapababa kana, maari din namang dapat kanina kapa bumaba, pero napalayo ka at di tama ang lugar na nabababaan.Pede rin namang hindi ka naman dapat sasakay, pero dahil sa dalang-dala ka, ayun sumakay ka. At kung anu pa yan, basta ang ending, NAPASAKAY KA.

PASAKAY ang tawag ko sa mga PAASA. Paasa, pinaka sikat na salita ng mga heartbroken. "Pinaasa nya lang ako!" Pasakay din ang tawag ko sa mga taong PA FALL. Pa fall, para naman sa mga sosyalera or lets say social climber, well ... applicable narin yan. Paasa, Pa fall at ang newest version na PASAKAY. 

     Sa panahong ito, nagkalat ang istilong yan. KALAT NA KALAT. Yung bang sweet-sweetan, pero walang relasyon. May tawagan pero friends lang? TANGINUMIN NYO! Lechugas! Ang aarte nyo. 
(Galit nako) Chos! Well, di na bago yan. baka paglipas pa ng ilang taon mga isa o dlawa, tantya ko ultimo yung mga kasal na, sasabihin friends lang sila. HAHAHA. Friends your face! That's rule of the game.    PAG NA INLOVE KA, TALO KA. Kaya kapatid mag ingat ka! Dahil baka yang taong akala mo sya na, e PINAPASAKAY KA LANG! Handa ka na bang bumaba? O mananatili ka padin hanggang s ikaw na mismo ang ipagtabuyan at pababain. Siguraduhin mo lang na may naiabot kang bayad, para kung magka gayun man, meron kang MAISASAMPAL SA MUKHA NYA AT MAISUSUMBAT.

Biyernes, Marso 2, 2012

Si EBA

     "Si Eba, bow. Si Eba na may tatlong letra, binubuo ng letrang E, B, at A. Huwag lang lalagyan ng K pagkat tiyak na mag iiba ang kahulugan". (Aaay Bastos!) 

Sa mga oras na isinusulat ko ito, titulo lamang ang malinaw kong hawak. Maaring alam ko kung ano ang gusto kong ibahagi pero hindi ko alam kong paano ipararating. "LINTA," "Si Lolong" at ang nagwagi ay "si Eba." Mga iilang titulo na sa kalagitnaan ng gabi ko naiisip. Kasarapan ng pagkakahiga at oras ng pagtulog, kung saan biglang nag lilitawan ang aking tinatawag na "Brilliant ideas"  And i claim that brilliant!  
(Wag kang NAKEKE ALAM) haha. O kay sarap ng may laptop, na bente kwatro oras na nakabukas.
                         (Hindi ho ito kasali, naisingit lang, at baka sakaling may makarinig)

Si Eba. Oo sya nga, ang partner ni Adan. Simbolo ng mga kababaihan.Pero hindi lahat ng kababaihan ay Eba.( Gulo diba!?) Nasa Intro ka palang, wala ka pa sa Climax kaya wag kang Atat! Ang inyo pong mababasa ay hango sa sarili kong interpretasyon. Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! 

Ano nga bang katauhan ang syang ginagampanan ni Eba? Ano ang estetika't batayan ng isang Eba? Ano ang pinag kaiba ng totoo at matinong Eba? Kung ang tingin mo sa sarili mo ay isang Ebang mahina, sunod-sunuran, utusan at parausan, malinaw na hindi ka si Eba. Isa kang Eba*.  (LOL) Itinago ko pa. Sige na nga at atin ng isiwalat. EBAK. (What a word!) ang bahong pakinggan. 

Sino nga ba si Eba? Si Eba ay Sino nga ba? Ramdam nyo na diba!? hindi ko alam kung sino sya! HAHA. Sabi sa inyo title lang ang meron ako. Isa lang ang maliwanag. HINDI "pa" AKO SI EBA. may kahanginan lang akong taglay pero hindi sinungaling. AT SYEMPRE HINDI "pa" RIN IKAW.  Ako ngang sumulat, hindi ko inako, ikaw pa kayang nakikibasa lang. Nyaha! Ito ang klaro! MAARING MAGING TAYO 
(Us girls) 


                (SUMALI NA SA KILUSAN! IPAGLABAN ANG KABABAIHAN! ) HAHAHA.
                                      oha  aktibista lang ang datingan


      Darating ang panahon na makikilala natin ang ating sarili ng higit pa sa pagkaka alam natin. Makikita natin ng mas malalalim ang dating mababaw, at mas malinaw ang dati ng malabo. Wag natin hayaan na si Eba ay gawin lang Eba* ng mga Adan, maging ng lipunan.

Huwebes, Enero 26, 2012

S.W.A.G.

Start looking for Guys with goals, ambition, and someone who's educated. Because twenty years from now "SWAG" isn't goin to pay the bills.

This one is for you girls! Check it out!

PRESENT
He's totally awesome, undeniably handsome. He got the looks! Oh em' He's 6 ft tall.  Darn! He's MVP again!
                      (Hanep! SWAG NA SWAG!) Cool, got the style, Full of confidence.

                                                              FUTURE
FVCk how we're goin to raise our children! Sht! we have so many bills to pay! Fvck You! try to look for a job! 


                                                                 S.W.A.G
                                                       Sayo.Wawa. Ako. Gago!

Sa ngayon maglaway ang ibang girls! Coz you have the coolest boyfriend for sure they never had. Bukas makalawa, busugin mo ang sarili't anak mo sa itsura ng jowa mo! Ginusto mo yan teh! Hala sige, panindigan mo! I just what to give emphasis not to focus on the outside for it fades. Hindi pedeng MUKA LANG ANG PUHUNAN.  (i'm not trying to generalize) 

            Ang dating SWAG na tinatawag mo, darating ang panahon, magiiba ang kahulugan! 
  ARE YOU STILL WILLING  TO DATE A SWAG!?

      "  If He's not worth Marrying, then he's not worth dating. "

Huwebes, Disyembre 8, 2011

A TRIBUTE to the man I LOVE.

     "It was never too early, but it can be too late. Everything in life is not guaranteed."

     Isang pagpupugay ang handog ko para sa kanya. Isang pagbibigay pugay na dadaanin ko sa simple, payak at makatotohanang pagsulat. Nais kong makalikha ng isang sanaysay na kung saan tiyak kong mailalahad ang tunay at eksakto kong nadarama. Sanaysay na bagama't hindi direktang ipababatid,  nakatitiyak akong may naiibang epekto ang hatid. At sa mga darating na araw, nakasisigurado ako na muli't-muli bubuksan ko ang pahinang ito, at magpapasalamat.

     Hindi po ito tribute para kay "B" na labis kong minamahal. (Pagkatapos mo ko paasahin!?) Hindi rin ito para sa "Ultimate Crush" kong trying hard na maging basketbolista.(Hmmm.) At lalong lalo nang hindi kay "Ashton Kutcher" na sobra kong hinahangaan. At kahit na i-level mo pa kay Brad Pitt at Tom Cruise yan, WALA AKONG PAKE! HINDI ITO PARA SA KANILA! Dugo't laman nya ang nananalaytay sa mismong sumusulat. Isang taong Biniyayaan ng panginoon kung kaya't nakagawa at heto ako't nabuo. Ayokong isipin nyo na may hindi pantay akong pagtingin sa kanila. Pareho ko silang mahal. Ngunit gaya ng mga magulang, itanggi man nila o hindi, alam naming mga anak na  mayroong isang lalabas na paborito. Gayun pa man, pinipilit at ninanais nilang huwag itong ipahalata at pantay na maiparamdam ang walang hanggan nilang pagmamahal. Ganoon din saming mga anak. Wag ho sana kayo magtanong at magduda.

Matapos ang mahaba-haba kong intro, na puno ng che-che bureche, MAKNIG KA! dahil ngayon sasabihin ko na, kung sino ang tao sa likod ng pagpupugay na ito. ANG AKING PAPA.  I'd like to believe that i have the coolest dad here on earth. At kung marami man ang mag claim, ang mahalaga, isa ako sa nabiyayaan! isang PAPA na pinalaki kami hindi sa palo at mura. PAPA na sa sobrang baet, ikaw mismo ang mahihiyang gumawa ng katarantaduhan. PAPA na bibihira lang mag utos, at kung mag utos man, may kasunod pang PAKI. (Paki-walis mo nga yan, Paki-kuha mu nga yung) PAPA na sobrang ipararamdam sayo ang salitang TIWALA. PAPA na certified TIGAsin. (TIGAluto,TIGAsaing,TIGAlaba) PAPA na ka bonding ko sa panunuod ng balita. PAPA na madalas kong niloloko na kamuka ang mga napapanuod ko sa telebisyon. (KIGOY-PBB unlimited) PAPA na suportado ako sa mga pinaggagagawa ko. (Piercing/Tattoo) At NEVER akong hinusgahan. Naiibang PAPA na pedeng pagsabihan ng anak. PAPA na gustong gustong makahanap muli ng makakatuwang sa buhay pero ayaw na ng mga anak. PAPA na sa sobrang pagmamalasakit sa iba, kung minsan nakakapikon na, sa dahilang inaabuso na nila. At higit sa lahat, sya ang PAPA na kahit paulit ulit man akong bigyan ng pagkakataon para pumili, alam kong sya at sya padin ang nanaisin.

Isang mahalagang bagay lang ang gusto kong tumbukin. Tayo, kung makapg celebrate  ng monthsary, Anniversary, etc. para sa mga boypren at girlpren naten, walang PALYA. Kung bilhan natin ng mga expensive gifts si boypren at si girlpren walang PANGHIHINAYANG. Kung mag update tayo sa lahat ng pangyayari sa buhay naten kay Bhe-bhe, MAYA'T-MAYA. Kung mag "Good Morning"/"Good Evening" with ILOVEYOU tayo kay Baby, walang MINTIS. Kung IPAGMALAKI natin si Sweety, taas noo. 
E PARA KAY MAMA AT PAPA, ANO NGA BA ANG KAYA NATING IBIGAY!?

Lunes, Disyembre 5, 2011

LagabLOVE

Pangalan mo palang, kinikilig na ako, paano pa kaya kapag magka apelyido na tayo!? Am i a bad shooter? Coz boy, i keep on missing you.  Is Alice in your body? Because baby your body is a wonderland! - (Weh!?) (Korny mo UL*L!) (Joke ba yan!? tawa tayo dali!)

     Mga salitang agad na sosoplak sayo sa oras na magbitaw ka ng seryosong salita, pero mabirong isasalita. "Pick-Up Lines" kung tawagin. Pero aminin! nakakatawa pero may kurot parin ng pagkakilig. Yun nga lang, pag di mo type ang taong nag sabi nyan , malamang sa malang, barado. Pero kapag si "Crush" ang tumirada, susmaryosep lalaban kapa ng batuhan ng "Pick Up Lines" Ewan ko nalang, kung di nyo pa ma PICK ang isa't isa.  (HAHA)  "LagabLOVE" ang pamagat para sa araw na to. Isang Pamagat na di malaos laos. Yearly in demand at never naging seasonal. Topic na di mamatay-matay, paulit ulit man pag usapan, never na pagsasawaan.

Pero admit it! Lahat nakakaramdam pero di lahat nakaka relate. Madaming in denial. Ayaw matawag na korny, Jologs, Mais, at kung anu2 pa. Tawag sa kanila ... Isang malaking "KILL JOY"  mga taong pag ihi lang ang kinakikiligan. Habang bata ka, sulitin mo! Hindi ko sinasabing luma- mierda ka, at maglalandi. Isa lang ang punto ko, habang bata, damhin mo, pero wag kalilimutan ihanda  si RESPONSIBILIDAD at si LIMITASYON. Palagi yang kaakibat. Ang sarap kaya ma inlove. Cloud9, sabi ng iba. Pero ito lang ang masasabi ko, "Try mo kayang magpahinga! kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko." Ayan! Napapabanat nako. (Hindi masyado halata ang pagka inlove ko diba!?)  I've always been inlove. (Naks!) Isa yan sa di ko ho pagsasawaan. Ang Magmahal!

  Pero kung anung sarap, sya din ang hatid nitong sakit. Win or lose ang sugalan dyan. Kung gaano kataas ang liliparan mo, sya din lalim ng babagsakan mo. Madaming matalinong natatanga dyan! Sabi ng nakararami, kung sino pa daw ang matatalino sya namang bobo pagdating dyan. Ehem! sabi ko na nga ba, matalino ako!  Sablay ako pagdating dyan e. Pwede ding masyadong genius ang mga napipili ko, kaya't ganun nalang sila KATANGA para PAKAWALAN ako. ( Iwas-iwas din!) WATEBER!

 Pero Brother's and sisters, kung mag FAIL man yan, isa lang po ang sigurado, HINDI NA PO IYON KASALAN NI LOVE. Si LOVE na inosente, na ang tanging nais lang ay magpaligaya!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

Wagas na KARAKAS.

     Wala bang iba!? Yung bago! Yung something na makatotohanan! Yung tipong hindi ko pa alam, at ika su-surprise ko. Gaya nga ng sabi ko sa twitter acoount ako ....." Wag ka sakin makipaglaro, dahil pag yan sinakyan ko, HAHA. KAWAWA KA. " Ang rude! haha. Anyway dapat lang yan sa mga lalaking dinaig pa ang higad sa kati at ang babae sa pagiging flirtatious. LOL. Minsan gusto ko silang sakyan. Sabayan sa mga nakakatawang trip nila, Pero more than that feeling, nagsusumigaw ang konsensya ko. HINDI AKO YAN. HINDI KO GAWAIN YAN. AT HINDING_HINDI KO MAGAGAWA YAN.  At ang kakapal lang ng muka ng mga taong naglalaro ng personal na emosyon ng tao. Aba'y takot ko nalang sa karma. 

Kung kayat ganun nalang ako kung matawa sa mga lalaki't babae na kala mo kung sinong magaganda at gwapo na kung magbilang ng boypren at girlpren ay ganun-ganun nalang! Wow huh! (Try mo kayang pagupit!?) HAHA. Tapos nag eexpect ng good karma when they ready to settle down and be serious. Isa kang malaking ASA! Chura neto! (Galit na galit e nuh) Asar eh!? Para kasi saken, di bale na ikaw na ang masaktan, maloko, iwan at kung anu-anu pang nakakapang lumong sitwasyon, wag lang ikaw ang gagawa nun. I'm telling you, IBA ANG BALIK NG KARMA. Hindi mo gugustuhin na ma experience pa. Kung alam mo lang na iba ang hatid na "Pogi points" ng lalaking Loyal at sarap sa pakiramdam na sabihang "Babaeng pang seryosohan" ng girlalung tapat at matino,. Whew! HEAVEN! :) Kaya itago mo na yang Wagas at gasgas na karakas mo, ang dali dali mag cheat, mang-gago, manloko at magpaiyak, try something hard, something new and something worth doing. BE FAITHFUL.