"It was never too early, but it can be too late. Everything in life is not guaranteed."
Isang pagpupugay ang handog ko para sa kanya. Isang pagbibigay pugay na dadaanin ko sa simple, payak at makatotohanang pagsulat. Nais kong makalikha ng isang sanaysay na kung saan tiyak kong mailalahad ang tunay at eksakto kong nadarama. Sanaysay na bagama't hindi direktang ipababatid, nakatitiyak akong may naiibang epekto ang hatid. At sa mga darating na araw, nakasisigurado ako na muli't-muli bubuksan ko ang pahinang ito, at magpapasalamat.
Hindi po ito tribute para kay "B" na labis kong minamahal. (Pagkatapos mo ko paasahin!?) Hindi rin ito para sa "Ultimate Crush" kong trying hard na maging basketbolista.(Hmmm.) At lalong lalo nang hindi kay "Ashton Kutcher" na sobra kong hinahangaan. At kahit na i-level mo pa kay Brad Pitt at Tom Cruise yan, WALA AKONG PAKE! HINDI ITO PARA SA KANILA! Dugo't laman nya ang nananalaytay sa mismong sumusulat. Isang taong Biniyayaan ng panginoon kung kaya't nakagawa at heto ako't nabuo. Ayokong isipin nyo na may hindi pantay akong pagtingin sa kanila. Pareho ko silang mahal. Ngunit gaya ng mga magulang, itanggi man nila o hindi, alam naming mga anak na mayroong isang lalabas na paborito. Gayun pa man, pinipilit at ninanais nilang huwag itong ipahalata at pantay na maiparamdam ang walang hanggan nilang pagmamahal. Ganoon din saming mga anak. Wag ho sana kayo magtanong at magduda.
Matapos ang mahaba-haba kong intro, na puno ng che-che bureche, MAKNIG KA! dahil ngayon sasabihin ko na, kung sino ang tao sa likod ng pagpupugay na ito. ANG AKING PAPA. I'd like to believe that i have the coolest dad here on earth. At kung marami man ang mag claim, ang mahalaga, isa ako sa nabiyayaan! isang PAPA na pinalaki kami hindi sa palo at mura. PAPA na sa sobrang baet, ikaw mismo ang mahihiyang gumawa ng katarantaduhan. PAPA na bibihira lang mag utos, at kung mag utos man, may kasunod pang PAKI. (Paki-walis mo nga yan, Paki-kuha mu nga yung) PAPA na sobrang ipararamdam sayo ang salitang TIWALA. PAPA na certified TIGAsin. (TIGAluto,TIGAsaing,TIGAlaba) PAPA na ka bonding ko sa panunuod ng balita. PAPA na madalas kong niloloko na kamuka ang mga napapanuod ko sa telebisyon. (KIGOY-PBB unlimited) PAPA na suportado ako sa mga pinaggagagawa ko. (Piercing/Tattoo) At NEVER akong hinusgahan. Naiibang PAPA na pedeng pagsabihan ng anak. PAPA na gustong gustong makahanap muli ng makakatuwang sa buhay pero ayaw na ng mga anak. PAPA na sa sobrang pagmamalasakit sa iba, kung minsan nakakapikon na, sa dahilang inaabuso na nila. At higit sa lahat, sya ang PAPA na kahit paulit ulit man akong bigyan ng pagkakataon para pumili, alam kong sya at sya padin ang nanaisin.
Isang mahalagang bagay lang ang gusto kong tumbukin. Tayo, kung makapg celebrate ng monthsary, Anniversary, etc. para sa mga boypren at girlpren naten, walang PALYA. Kung bilhan natin ng mga expensive gifts si boypren at si girlpren walang PANGHIHINAYANG. Kung mag update tayo sa lahat ng pangyayari sa buhay naten kay Bhe-bhe, MAYA'T-MAYA. Kung mag "Good Morning"/"Good Evening" with ILOVEYOU tayo kay Baby, walang MINTIS. Kung IPAGMALAKI natin si Sweety, taas noo.
E PARA KAY MAMA AT PAPA, ANO NGA BA ANG KAYA NATING IBIGAY!?