Isa na namang mapagpalang araw. Isang araw na puno ng himala. Akalain mong heto't muli, nagsusulat ako sa blog account kong ito. (Puro's ka kasi kayabangan, ayan! Hala't sige! panindigan mo) Panay pagtataas ng ihi ang na una kong naisulat, pero gaya nga ng sinabi ko, PANININDIGAN KO. Gawa ng hindi pa lumilisan ang bagyong mapagbalat - kayo, hayaan nyong sabayan ko ito pagdating sa palakasan ng hangin. Bihasa po ang inyong writer sa lenggwaheng tagalog. Mahusay sa araling Filipino. Kung kaya't kung ang hanap nyo ay isang manunulat na panay ang gamit ng wikang Ingles, nagpapalaliman sa pag gamit ng salitang ito, masabi lang ang mga salitang "Magaling" at "Mahusay" e, mga Brother at sister, nagkamali po kayo ng pahinang binuksan!
Hindi ko po kayo dadaanin sa ganoong klaseng pamamaraan. Abay! takot ko nalang na mabawasan pa ang lilimang taong masugid kong taga sunod. At bigyan ang mga kritiko ko ng malaking pagkakataon para siraan ako. Ang inyo pong writer ay di naman "Bobang" maituturing sa wikang Ingles. Patunay yan sa apat na taong pinag aralan ko at pinagsunugan ng kilay sa kursong Mass communication. Makikita rin sa mga nauna kong naisulat, nag husay-husayan po ang inyong writer at nagpumilit na magsulat sa wikang hindi naman ako gaano bihasa. Keri naman at nadala, yun nga lang, pili ang mga salitang inilarawan. hindi mo buong maisisiwalat ang siyang nasa loob mo. Noose bleeding po, ang inabot ko.
ito po ang pinakamahirap sa lahat ng mahirap. Ang ipagpatuloy ang isang bagay na nasimulan. Madali ang kuhain ang atensyon ng isang tao sa simula, madaling magpakitang gilas at pasabog sa umpisa, ngunit ang tensyon ay nasa gitna at pagtatapos. Keri mo ba ang kanilang EKSPEKTASYON? Sa mga sulat kong ito, dadalhin ko kaya sa naiibang mundo. (Ano nga bang klaseng mundo ang pinagsasabi ko?) Wag na ho kayong matakot! Hindi ko ho kayo tuturuang magkaroon ng sariling mundo. O sya! Sige! Pagisipan mong mabuti kong nanaisin mo pang basahin ito. Wala po muna tayong bonus sa araw na ito, mahirap na't baka pa simpleng nakikiusisa ang mga haters at magkaroon sila ng dahilan para i -blocked mail ako.
(Meron ba!? lumabas na!)
-Hayaan nyo pong kuhain ko ang pagkakataong ito at isama sa pahinang ito ang pasasalamat sa mga taong naglaan ng kakatiting na oras para mabasa to! Ui! Salamat. Wag ka sanang magsawa. Tandaan: Kakaunti lang kayo, pag nawala ka, ANU NALANG? haha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento