Damang-dama ko na talga ang titulo ko bilang writer. Totoo ngang kinarir kong araw-arawin ang pag ba blog. Tutal din naman at pinaninindigan kong isa kong blogger, anu nga bang klaseng writer ang katangian meron ako? Anung istilo ko bilang isang "Nagmamahusay" at "Nagmamarunong" na manunulat? Maihahalintulad ko ba ang aking sarili kay Ricky Lee? o di kaya kay F Sionil? mga kilala't tanyag at mahuhusay na manunulat.
(Makapag bigay naman ako ng pangalan, masabi lang na may kilalang mga writer) Pag pasensyahan nyo na po, pagkat iilan librong akda nila ang mayroon ako. Di nyo naitatanung at mukang waley naman kayong balak itanong, may isang kaibigang noo'y nakapagsabi saken, may pagkakahawig "daw" kami ng istilo ni Bob Ong. Bob Ong? (Huweeeh) ikinagulat ko. Gulat na gulat diba!? Sino nga ba namang di nakakikilala kay Bob Ong. Ang manunulat na bihasa sa pag gamit ng mga salitang akala mo'y walang kwenta ngunit puno pala ng kahulugan. May akda ng mga librong matatalinong tao lamang ang maaaring mag may ari.
(Wala pa ko nun, so alam na!) haha!
Yaman din lamang na ikinumpara ako kay Bob Ong, hayaan nyong isiwalat ko ang aming pinagkaiba.
(Sa tono ng pananalita ko parang lugi pa si Bob Ong.) Well, Bob Ong is Bob Ong. Hindi pwedeng gayahin lalong lalo't pantayan. Isa lang ang pwede, ang lampasan at higitan. Pero mukang kakain pako ng tunetuneladang sako ng bigas. Anyway, ito ang Unang ipinagkaiba, He's Ong and i'm Ang. Pag nagkataon ito ang labas... Bob Ang- girl version (korni diba!?)
Ni minsan di ho sumagi sa isip ko ang gayahin sino man sa kanila. Oo, mahuhusay at di matatawaran ang naiambag ng mga ito sa larangan ng pagsulat. Pero hindi mo sila pedeng gayahin. Hinding-hindi mo sila magagaya! Dyan pumapasok ang problema. "Gusto ko ganito ako!" gagayahin ko si ganito" Listen people! You can never be anybody else. Sabi nga sa bibliya, we are created different from each other. UNIQUE na maituturing. If their blessed with that style of writing, learn to discover yours.
(Kitam! Napapa english nako!) Mga bro at Sis, make sense! Wala hong umaasensong GAYA-GAYA!
Palagi nating tandaan na walang taong nagsimula or nag umpisa, na magaling na. lahat ng yan, napag aaralan at natututunan. Aba'y di biro ang magsulat. Lahat nakakasulat, pero hindi lahat ng yan makahulugan ang mga isinusulat. If you think may kapasidad ka para sumulat, then CLAIM IT! Hindi ibang taong ang makakadiskubre nyan, IKAW MISMO!
Palagi nating tandaan na walang taong nagsimula or nag umpisa, na magaling na. lahat ng yan, napag aaralan at natututunan. Aba'y di biro ang magsulat. Lahat nakakasulat, pero hindi lahat ng yan makahulugan ang mga isinusulat. If you think may kapasidad ka para sumulat, then CLAIM IT! Hindi ibang taong ang makakadiskubre nyan, IKAW MISMO!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento