first time! hindi naman talaga nananalaytay sa dugo ko ang pagiging manunulat. Tamad ako sa mga ganyan. Puros pasimula lang. (Ningas kugon kung tawagin) i hope not this time. Gaya nalang ng blog account kong ito, na bunga ng isang requirement. nakakatawa diba!? Aaay! Oo nga pala, hindi ito ang ka una-unahan kong account. may isa pa, pero mukang niluma na ng panahon. Haha. Isa na namang account na bunga ng pangangailangan. Dahil REQUIRED! Pero napansin ko lang, mahusay ako magsulat! (Nagbuhat na ng sariling bangko) Hindi naman sa pagyayabang pero beterano ako sa pagsusulat ng mga talata noong....... noong....... Basta! yun na yun! Wag na kayong kumontra, handa naman akong patunayan (hangin ba!?) whew!
May iilang dahilan kung bakit nagpasya akong ipagpatuloy ang pag ba blog. At mag feeling blogger simula sa oras na ito. Sabi nga sa title ko, MAGPAPAKA. Magpapaka blogger, magpapaka writer, basta magpapaka ako!
Una sa listahan ay ang pagkasayang na namang muli ng account na ito. Sayang nga naman. Humigit dalawang put dalawa na blog na ang nasimulan ko, mga blog na puro's ka kemean ang nilalaman. Mga blog na di naman talaga nanggaling sa kaloob-looban. Blog na tinatawag na "MEMA" MEMAisulat lang!
Ikalawa sa listahan ang may magawa lang. ika isa ng Oktubre, 11:50 ng gabi, araw ng sabado, Malakas ang hampas ng hangin, nananalasa ang baklang bagyong panay kaartehan maging sa pangalan, di mo maipagkakaila. Ang bagyong "Quiel". (Arte diba!?) Now tell me!? anung gagawin ko sa mga oras na to! Ayokong mag emo na naman at isipin kung kailan ba ko babalikan ng dati kong jowa na panay ang paasa na babalik pero hanggang ngayon nakikipag harutan sa bago nyang gerlpren. Aaaay! Shemay! na bulgar! Di bale, bonus mo na yan, dahil nag tyaga kang basahin ang blog ko.
Pangatlo sa listahan. Medyo sensitibo at makahulugan. Wala munang halong ka etchosan. Naisipan kong gawing makabuluhan ang pamumuhay ko dito sa mundo. Hindi ako mananatili dito habang buhay. Sabi nga sa kanta, "Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroong awitin iiwan sa inyong ala-ala" gusto ko mag iwan ng legacy. Yung tipong kahit wala na ako, mababasa nyo kung papaano ko ginamit yung buhay na ipinahiram at ipinagkaloob sa akin.Malalaman nyo yung mga kwento kong masaya, sobrang saya, di gaano kasiyahan at syempre mga kwento ko na kung minsan may halong kalungkutan.
Masarap yung feeling na kilala mo yung tao. Pero aminin na natin, hindi lahat interesado sa kwento mo. Ano nga naman ang kinalaman nila at higit sa lahat paki alam nila sa buhay at pinagdadaanan mo. Pero iba ito! Sisiguraduhin kong naiiba, maiiba at iba sa lahat. Hindi ka lang basta nakiki USI - usisa sa buhay ng may buhay o di kaya naman, tini trained maging mahusay na chismosa kundi may iiwan din namang katiting na inspirasyon at motibasyon. Aba'y kung wala naman, e di ko na ho yon kasalanan! (biro lang) Una palang to, I hope hindi maging "UNA NA LANG TO" salamat sa oras kapatid!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento