Linggo, Oktubre 2, 2011

Gaya-Gaya!

     Damang-dama ko na talga ang titulo ko bilang writer. Totoo ngang kinarir kong araw-arawin ang pag ba blog. Tutal din naman at pinaninindigan kong isa kong blogger, anu nga bang klaseng writer ang katangian meron ako? Anung istilo ko bilang isang "Nagmamahusay" at "Nagmamarunong" na manunulat? Maihahalintulad ko ba ang aking sarili kay Ricky Lee? o di kaya kay F Sionil? mga kilala't tanyag at mahuhusay na manunulat.

 (Makapag bigay naman ako ng pangalan, masabi lang na may kilalang mga writer) Pag pasensyahan nyo na po, pagkat iilan librong akda nila ang mayroon ako. Di nyo naitatanung at mukang waley naman kayong balak itanong, may isang kaibigang noo'y nakapagsabi saken, may pagkakahawig "daw" kami ng istilo ni Bob Ong. Bob Ong? (Huweeeh) ikinagulat ko. Gulat na gulat diba!? Sino nga ba namang di nakakikilala kay Bob Ong. Ang manunulat na bihasa sa pag gamit ng mga salitang akala mo'y walang kwenta ngunit puno pala ng kahulugan. May akda ng mga librong matatalinong tao lamang ang maaaring mag may ari. 
 (Wala pa ko nun, so alam na!) haha!

Yaman din lamang na ikinumpara ako kay Bob Ong, hayaan nyong isiwalat ko ang aming pinagkaiba.
 (Sa tono ng pananalita ko parang  lugi pa si Bob Ong.) Well, Bob Ong is Bob Ong. Hindi pwedeng gayahin lalong lalo't pantayan. Isa lang ang pwede, ang lampasan at higitan. Pero mukang kakain pako ng tunetuneladang sako ng bigas. Anyway, ito ang Unang ipinagkaiba, He's Ong and i'm Ang. Pag nagkataon ito ang labas...  Bob Ang- girl version (korni diba!?)

Ni minsan di ho sumagi sa isip ko ang gayahin sino man sa kanila. Oo, mahuhusay at di matatawaran ang naiambag ng mga ito sa larangan ng pagsulat. Pero hindi mo sila pedeng gayahin. Hinding-hindi mo sila magagaya! Dyan pumapasok ang problema. "Gusto ko ganito ako!" gagayahin ko si ganito"  Listen people! You can never be anybody else. Sabi nga sa bibliya, we are created different from each other. UNIQUE na maituturing. If their blessed with that style of writing, learn to discover yours.
(Kitam! Napapa english nako!)  Mga bro at Sis, make sense! Wala hong umaasensong GAYA-GAYA!

Palagi nating tandaan na walang taong nagsimula or nag umpisa, na magaling na. lahat ng yan, napag aaralan at  natututunan. Aba'y di biro ang magsulat. Lahat nakakasulat, pero hindi lahat ng yan makahulugan ang mga isinusulat. If you think may kapasidad ka para sumulat, then CLAIM IT! Hindi ibang taong ang makakadiskubre nyan, IKAW MISMO!


Sabado, Oktubre 1, 2011

EKSPEKTASYON

     Isa na namang mapagpalang araw. Isang araw na puno ng himala. Akalain mong heto't muli, nagsusulat ako sa blog account kong ito. (Puro's ka kasi kayabangan, ayan! Hala't sige! panindigan mo) Panay pagtataas ng ihi ang na una kong naisulat, pero gaya nga ng sinabi ko, PANININDIGAN KO. Gawa ng hindi pa lumilisan ang bagyong mapagbalat - kayo, hayaan nyong sabayan ko ito pagdating sa palakasan ng hangin. Bihasa po ang inyong writer sa lenggwaheng tagalog. Mahusay sa araling Filipino. Kung kaya't kung ang hanap nyo ay isang manunulat na panay ang gamit ng wikang Ingles, nagpapalaliman sa pag gamit ng salitang ito, masabi lang ang mga salitang "Magaling" at "Mahusay" e, mga Brother at sister, nagkamali po kayo ng pahinang binuksan!

 Hindi ko po kayo dadaanin sa ganoong klaseng pamamaraan. Abay! takot ko nalang na mabawasan pa ang lilimang taong masugid kong taga sunod. At bigyan ang mga kritiko ko ng malaking pagkakataon para siraan ako. Ang inyo pong writer ay di naman "Bobang" maituturing sa wikang Ingles. Patunay yan sa apat na taong pinag aralan ko at pinagsunugan ng kilay sa kursong Mass communication. Makikita rin sa mga nauna kong naisulat, nag husay-husayan po ang inyong writer at nagpumilit na magsulat sa wikang hindi naman ako gaano bihasa. Keri naman at nadala, yun nga lang, pili ang mga salitang inilarawan. hindi mo buong maisisiwalat ang siyang nasa loob mo. Noose bleeding po, ang inabot ko. 

ito po ang pinakamahirap sa lahat ng mahirap. Ang ipagpatuloy ang isang bagay na nasimulan. Madali ang kuhain ang atensyon ng isang tao sa simula, madaling magpakitang gilas at pasabog sa umpisa, ngunit ang tensyon ay nasa gitna at pagtatapos. Keri mo ba ang kanilang EKSPEKTASYON? Sa mga sulat kong ito, dadalhin ko kaya sa naiibang mundo. (Ano nga bang klaseng mundo ang pinagsasabi ko?) Wag na ho kayong matakot! Hindi ko ho kayo tuturuang magkaroon ng sariling mundo. O sya! Sige! Pagisipan mong mabuti kong nanaisin mo pang basahin ito. Wala po muna tayong bonus sa araw na ito, mahirap na't baka pa simpleng nakikiusisa ang mga haters at magkaroon sila ng dahilan para i -blocked mail ako. 
(Meron ba!? lumabas na!)

-Hayaan nyo pong kuhain ko ang pagkakataong ito at isama sa pahinang ito ang pasasalamat sa mga taong naglaan ng kakatiting na oras para mabasa to! Ui! Salamat. Wag ka sanang magsawa. Tandaan: Kakaunti lang kayo, pag nawala ka, ANU NALANG? haha. 




MAGPAPAKA!

     first time! hindi naman talaga nananalaytay sa dugo ko ang pagiging manunulat. Tamad ako sa mga ganyan. Puros pasimula lang. (Ningas kugon kung tawagin) i hope not this time. Gaya nalang ng blog account kong ito, na bunga ng isang requirement. nakakatawa diba!? Aaay! Oo nga pala, hindi ito ang ka una-unahan kong account. may isa pa, pero mukang niluma na ng panahon. Haha. Isa na namang account na bunga ng pangangailangan. Dahil REQUIRED! Pero napansin ko lang, mahusay ako magsulat! (Nagbuhat na ng sariling bangko) Hindi naman sa pagyayabang pero beterano ako sa pagsusulat ng mga talata noong....... noong....... Basta! yun na yun! Wag na kayong kumontra, handa naman akong patunayan (hangin ba!?) whew!

May iilang dahilan kung bakit nagpasya akong ipagpatuloy ang pag ba blog. At mag feeling blogger simula sa oras na ito. Sabi nga sa title ko, MAGPAPAKA. Magpapaka blogger, magpapaka writer, basta magpapaka ako! 

Una sa listahan ay ang pagkasayang na namang muli ng account na ito. Sayang nga naman. Humigit dalawang put dalawa na blog na ang nasimulan ko, mga blog na puro's ka kemean ang nilalaman. Mga blog na di naman talaga nanggaling sa kaloob-looban. Blog na tinatawag na "MEMA" MEMAisulat lang!

Ikalawa sa listahan ang may magawa lang. ika isa ng Oktubre, 11:50 ng gabi, araw ng sabado, Malakas ang hampas ng hangin, nananalasa ang baklang bagyong panay kaartehan maging sa pangalan, di mo maipagkakaila. Ang bagyong "Quiel". (Arte diba!?) Now tell me!? anung gagawin ko sa mga oras na to! Ayokong mag emo na naman at isipin kung kailan ba ko babalikan ng dati kong jowa na panay ang paasa na babalik pero hanggang ngayon nakikipag harutan sa bago nyang gerlpren. Aaaay! Shemay! na bulgar! Di bale, bonus mo na yan, dahil nag tyaga kang basahin ang blog ko. 

Pangatlo sa listahan. Medyo sensitibo at makahulugan. Wala munang halong ka etchosan. Naisipan kong gawing makabuluhan ang pamumuhay ko dito sa mundo. Hindi ako mananatili dito habang buhay. Sabi nga sa kanta, "Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroong awitin iiwan sa inyong ala-ala" gusto ko mag iwan ng legacy. Yung tipong kahit wala na ako, mababasa nyo kung papaano ko ginamit yung buhay na ipinahiram at ipinagkaloob sa akin.Malalaman nyo yung mga kwento kong masaya, sobrang saya, di gaano kasiyahan at syempre mga kwento ko na kung minsan may halong kalungkutan.

    Masarap yung feeling na kilala mo yung tao. Pero aminin na natin, hindi lahat interesado sa kwento mo. Ano nga naman ang kinalaman nila at higit sa lahat paki alam nila sa buhay at pinagdadaanan mo. Pero iba ito! Sisiguraduhin kong naiiba, maiiba at iba sa lahat. Hindi ka lang basta nakiki USI - usisa sa buhay ng may buhay o di kaya naman, tini trained maging mahusay na chismosa kundi may iiwan din namang katiting na inspirasyon at motibasyon. Aba'y kung wala naman, e di ko na ho yon kasalanan! (biro lang) Una palang to, I hope hindi maging "UNA NA LANG TO" salamat sa oras kapatid!